Martes, Mayo 14, 2019

Kwento - Pakikiisa ng maralita sa mga manggagawa sa Mayo Uno


PAKIKIISA NG MARALITA SA MGA MANGGAGAWA SA MAYO UNO
Maikling kwento ni Gregorio V. Bituin Jr.

Mahalaga sa mga maralita ang pagiging mala-manggagawa o bilang bahagi ng uring manggagawa. Karamihan sa kanila’y hindi swelduhan ng kinsenas at katapusan kumpara sa kauri nilang manggagawa sa pabrika. Madalas, nabubuhay sila sa diskarte, pagtitinda sa bangketa na madalas ay hinahabol at hinuhuli. Subalit nais nilang mabuhay ng marangal, kaya kahit sa mumunting trabaho, halimbawa, pagwawalis, paglilinis ng kanal, pagkakarpintero, paglalako ng kung ano-ano, tulad ng tuhog-tuhog, ay ginagawa nila upang mabuhay at may maipakain sa kanilang pamilya.

Kaya pagsapit ng Mayo Uno, Daigdigang Araw ng Paggawa, sila’y nakikiisa sa pagdiriwang nito, at sumasama sa rali upang gunitain ang mga sakripisyo ng mga naunang manggagawa sa kanila, lalo yaong mga nangamatay sa Haymarket Square sa Chicago noong Mayo 1886, upang ipaglaban ang pagsasabatas ng walong oras na paggawa bawat araw. 

Nagsalita si Mang Ambo sa mga kapitbahay niya sa isang iskwater. “Sasama ba kayo sa rali sa Mayo Uno? Kung hindi pa, kayo’y aking inaanyayahang dumalo at makiisa sa Dakilang Araw ng Paggawa.”

Nagtanong si Berting, “Bakit naman kami sasama riyan, ay wala naman kaming sahod tulad ng mga obrero sa pabrika? Ano bang pakinabang namin diyan? Mahirap para sa amin ang sumigaw ng Sahod Itaas, Presyo Ibaba, dahil nga wala naman kaming sahod na patataasin?”

Sinagot siya ni Mulong, “Alam mo, Berting, bakit kaya ang mga manggagawa ay umuuwi sa komunidad ng maralita, lalo na sa iskwater? Dahil kapwa sila mahirap at pinagsasamantalahan ng bulok na sistema ng lipunan. Sa madaling salita, pangunahin dahil sa krisis sa ekonomya, mababang sahod, at kakapusan sa kabuhayan na nagtutulak sa kanila upang mamuhay sa mga lugar na abot-kaya, kahit na ito ay sa tabing riles, tabi ng tapunan ng basura, o sa ilalim ng tulay. Madalas, ang mga obrero’t maralita’y magkasamang nakikipagsapalaran sa lungsod.”

“Sabagay, tama ka, Mulong,” pagsang-ayon ni Berting, “Mababang sahod at malaking gastusin, na di makaagapay ang sahod sa taas ng presyo ng mga pangunahing bilihin. Subalit bilang maralitang walang sahod at pulos diskarte lang upang makakain ang pamilya sa araw-araw, parang kayhirap namang isigaw ang Sahod Itaas, Presyo Ibaba! Bagamat maaari naman kaming sumama sa pagkilos sa Mayo Uno.”

“Maraming salamat naman kung sasama kayo,” ani Mang Ambo, “subalit mas magandang bukal sa inyong puso at nakumbinsi kayo sa katwiran kung bakit dapat nating ipagdiwang ang Mayo Uno kahit wala kayong sinasahod. Nais ko pang magbigay ng ilan pang paliwanag. Ang mga manggagawa ay madalas na malapit sa mga sentro ng kalakalan, pabrika, o opisina kung saan sila nagtatrabaho. Nakakatipid sila sa pamasahe at oras sa pagbiyahe. Madalas ding ang kakulangan ng abot-kayang disenteng pabahay sa mga lungsod ang nagtutulak sa kanilang tumira sa tabing ilog, ilalim ng tulay, o riles ng tren. Ang mataas na implasyon at kawalan ng regular na trabaho ay patuloy na nagpapahirap sa masa, na nag-uudyok sa kanilang ipaglaban ang kanilang karapatan.”

Tatango-tango naman si Berting at ilang mga kapitbahay. Hanggang sa sumapit ang Mayo Uno. Nagtungo sila sa Daang España at nagmartsa patungong Mendiola at doon ay inilahad nila ang kanilang hinaing.

Si Mang Ambo ang unang tinawag upang magsalita, “Bilang isang dating unyonistang nawalan ng trabaho dahil ginipit ng kapitalista, narito kami bilang mga maralitang nakikiisa sa laban ng manggagawa. Wala man kaming sinasahod ngayon, ito’y hindi hadlang upang isigaw natin ang madalas na nating panawagan: Sahod Itaas, Presyo Ibaba!”

Ang pangulo naman ng isang unyon ang nagsalita, “Salamat, Mang Ambo, sa iyong tinuran. Kami mang mga manggagawa sa pabrika ay sumasahod, hindi iyon sapat. Kaya naghihirap din kami tulad ninyo. Subalit ngayong Mayo Uno, ating tandaan, mga kasama, tayong naririto ay nasa iisang uri, magkakauri tayo, bilang uring manggagawa. Dahil ang manggagawa at ang maralita, na madalas ituring na mala-manggagawa, ay nasa iisang uri, bilang mga walang pag-aari ng mga kagamitan sa produksyon. Iisa ang ating uri. Tayo’y mga proletaryado!”

Sumigaw si Mulong, “Halina’t nating isigaw, Uring Manggagawa, Hukbong Mapagpalaya!”

Sila’y tumugon: “Uring Manggagawa, Hukbong Mapagpalaya!”

* Unang nalathala sa pahayagang Taliba ng Maralita, ang opisyal na publikasyon ng pambansang samahang Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML), Mayo 1-15, 2019, pahina 18-19.

Miyerkules, Enero 2, 2019

Pahayag ng PhilCuba hinggil sa ika-60 anibersaryo ng Rebolusyong Cubano


Mensahe ng Philippines-Cuba Cultural & Friendship Association (PHILCUBA)
Hinggil sa ika-60 Anibersaryo ng Tagumpay ng Rebolusyong Cubano
(Isinalin mula sa Ingles ni Greg Bituin Jr.)


Pagpapatuloy ng Pamana, Pagpeperpekto ng Sistema at Pangunguna sa Gawaing Internasyunalista-Humanista


Sa kabila ng digmaang pang-ekonomiya, pag-uusig sa pananalapi, matinding pagharang, pagturing ng National Security Adviser na si John Bolton sa Cuba bilang isa sa Tatsulok ng Paniniil, at iba pang mga aksyon at pahayag na nakaturo sa US sa pagtungo sa pakikipagtuos sa Cuba, ang lahat ng karapatan ay nasa mga Cubano upang ipagdiwang ang ika-60 anibersaryo ng kanilang tagumpay laban sa rehimen ng awtoritaryan at mandarambong na si Fulgencio Batista na suportado ng Estados Unidos.

Kaming mga kasapi ng Philippines-Cuba Cultural and Friendship Association (Phil-Cuba) ay mahigpit na nakikiisa sa mga Cubano sa kanilang pagdiriwang. Pinagpupugayan namin ang mga bayani hindi lamang sa mga taon ng armadong pakikibaka laban sa rehimeng Batista kundi pati na rin sa pagtatanggol laban sa pagsalakay at pagsabotahe ng US, ng mga kampanya upang itatag ang ekonomiyang Cubano at bumuo ng sistema ng edukasyon at kalusugan nito, sa pagsisikap na mapagtagumpayan ang espesyal na panahon at epekto ng pagharang sa pang-ekonomiya, pampinansya at pangkomersyo ng bansa.

Ang mga sumunod na taon matapos makatakas ni Batista sa Cuba sa gabi ng Disyembre 31, 1958 ay, sa katunayan, animnapung taon ng "sagupaan, pagtutol, at pagkamalikhain tungo sa  rurok ng tagumpay" na siyang inilarawan ni Pangulong Miguel Díaz-Canel Bermúdez sa kanyang talumpati kamakailan. Hindi hinahayaan kahit isang saglit ng mga kaaway ng Bagong Cuba nang walang bagong pakana upang wasakin ang Cuba, upang pahinain ang rebolusyonaryong pagpapasiya ng mamamayan nang sa gayon ay itakwil nila ang sosyalismo.

Kami’y nagagalak na isa sa mga pinakamahalagang pangyayari sa ika-60 taon ng Rebolusyon ang pagdaraos ng isang reperendum upang maipasa ang bagong Saligang Batas ng Cuba. Umaasa kaming tinatanganan ng Cuba ang pagbabago ng Saligang Batas upang gawin ang Batayang Batas ng Cuba na nakaakma sa nagbabagong kalagayan habang nananatiling tapat sa mga pamanang iniwan ng kanilang mga mapagpalayang bayani at sa Marxismo-Leninismo habang pineperpekto ang sosyalistang proseso. Pinahahalagahan naming binigyang pansin ng proseso sa paglulunsad ng mga talakayan sa mamamayang Cubano bago ito pagtibayin ng Parlamentong Cubano. Pinasisinungalingan nito ang mga paratang na hindi demokratiko ang sistemang Cubano.

Ipagdiwang din namin ang iba pang mga napagtagumpayan ng Cuba. Nabatid na ng mundo ang mga nagawa nila sa kalusugan, bayoteknolohiya at edukasyon. Sa kabila ng mga natural na kalamidad at ang pagharang pang-ekonomya, inirehistro ng Cuba ang paglago ng ekonomya nito. Kapansin-pansin ang pagpapabuti ng Cuba sa agrikultura, sa imprastraktura, pabahay, pagbabayad ng pensiyon at iba pang mga benepisyong materyal. Patuloy na sumisikat ang Cuba sa sports at sa sining.

Hindi maaaring burahin ng isang Bolsonaro ang natatanging rekord ng Cuba sa internasyunalista-humanistang gawain. Nagbigay ang Cuba ng higit pang mga medikal na tauhan sa papapaunlad pang mundo kaysa sa lahat ng pinagsamang bansa ng G8. Sila’y nasa maraming bansa ng Latin America, Aprika, kahit sa Asya at Pasipiko. Sinanay ng Cuba ang mga mag-aaral mula sa iba't ibang bansa upang maging mga doktor. At hindi ito magagawa ng Cuba kung hindi dahil sa pinagtagumpayan nilang rebolusyon noong 1959.

Siyang tunay, ang tagumpay ng rebolusyong Cubano ay tagumpay ng sangkatauhan!

Mas galit na sa Cuba ang mga imperyalista at ang kanilang mga ahente dahil sa walang pagod na diwa ng sambayanan. Patuloy ang pakikibaka at magtatagumpay muli ang sambayanang Cubano!

Hayaang magdiwang ang mamamayan ng daigdig!

Halina’t patuloy nating suportahan ang Cuba laban sa imperyalistang paniniil!

Mabuhay ang Rebolusyong Cubano!


Ang orihinal na pahayag sa wikang Ingles:
Mula sa https://www.facebook.com/PhilCubaSol/posts/919804164882200?__tn__=K-R

Message of the Philippines-Cuba Cultural & Friendship Association (PHILCUBA)
On the 60th Anniversary of the Triumph of the Cuban Revolution

Continuing the Legacy, Perfecting the System and Leading in Internationalist-Humanist Work

Despite an economic war, financial persecution, a tightened blockade, branding Cuba by National Security Adviser John Bolton as one in a Troika of Tyranny, and other actions and pronouncements all pointing to the US’s moving towards a course of confrontation with Cuba, the Cuban people have all the right to celebrate with pride the 60th anniversary of their triumph over the US-backed regime of authoritarian and plunderer, Fulgencio Batista. 

We, the members of the Philippines-Cuba Cultural and Friendship Association (Phil-Cuba) join the Cuban people in their celebration. We salute the heroes not only of the years of armed resistance against the Batista regime but also of the defense against US invasion and sabotage, of the campaigns to build the Cuban economy and develop its educational and health system, of the effort to overcome the special period and effects of the economic, financial and commercial blockade. 

The years that followed Batista’s escape from Cuba in the evening of December 31, 1958 were, indeed, sixty years “of combat, resistance and creativity of the final triumph” as President Miguel Díaz-Canel Bermúdez described in his recent speech. The enemies of New Cuba never allow a single moment to pass without hatching a new plot to destroy Cuba, to weaken the people’s revolutionary determination so that they renounce socialism. 

We are glad that a referendum to submit the new Cuban Constitution for ratification will be one of the most significant events on the 60th year of the Revolution. We trust that Cuba is holding this charter change to make the Fundamental Law of Cuba more adjusted with the changed situation while remaining faithful to the legacy of their liberation heroes and to Marxism-Leninism while perfecting the socialist process. We appreciate that the process gave much attention to holding discussions among the people before its approval by the Cuban Parliament. It belies allegations that the Cuban system is not democratic.

We celebrate as well Cuba’s other achievements. Those on health, biotechnology and education are well-known. Despite the natural disasters and the blockade, Cuban economy registered growth. Cuba has noteworthy improvements in agriculture, in infrastructure, housing, paying pension and other material benefits. Cuba continues to shine in sports and in the arts.

A Bolsonaro can never erase Cuba’s outstanding record in internationalist-humanist work. Cuba has provided more medical personnel to the developing world than all the G8 countries combined. They are in many countries of Latin America, Africa, even in Asia and the Pacific. Cuba has trained students from different countries to become doctors. And Cuba couldn’t have done this if not for the revolution that triumphed in 1959.

Indeed, the victory of the Cuban revolution is a victory of humanity! 

Imperialists and their agents are ever angrier at Cuba for its people’s indefatigable spirit. The struggle continues and the Cuban people will come out victorious!

Let peoples of the entire world celebrate! 

Let us continue supporting Cuba against imperialist attacks!

Long Live the Cuban Revolution!